by Venus Suarez on Friday, August 10, 2012 at 12:57am ·
*photo taken from the net. |
Sa kasagsagan ng ulan at bahang dala ng habagat, hindi mapigilan ang karunungang popular ng mga ordinaryong mamamayan na iniuugnay ang kaganapang maladelubyo sa mga isyung moral at napapanahon katulad ng pagtigil ng debate sa pagpapasa ng batas reproduktibo. Hindi sinasang-ayunan ng mga Katoliko ang iminumungkahing batas dahil sa oryentasyon nitong labag sa buhay. Naging mabilis naman ang tugon sa karunungang popular na ito mula sa ilang sektor. Pinili ng mga pabor sa isinusulong na batas reproduktibo ang reductio ad absurdum at pinaratangan pang nabubulagan daw ng panatismo ang mga nag-iisip nang gayon. May mga matatalinong tao pa nga ang nagsulat na bagamat mga alagad ng matatayog na disiplina katulad ng Panitikang Ingles at Agham Panlipunan ng Sosyolohiya ay nagpumilit humalaw ng mga theolohikong konklusyon sa kaganapan at usapan tungkol sa koneksyon ng bagyo at usaping moral tulad ng Isinusulong na batas reproduktibo.
Para nga namang napakahilaw ng pagbibigay koneksyon sa Henesis 8, 7-12 (delubyo at kwento ni Noe sa Lumang Tipan) sa Historikal na kaganapan sa Pilipinas: Agosto (ika-8 buwan); ika-7 araw; taong 2012. Petsa ang 8-7-12 ng pagdating ng mapinsalang tubig dala ng habagat; isang araw matapos pinatawag ng Presidente Noynoy Aquino ang mga kaalyado niya sa kongreso na epektibo namang nagsikilos upang mapabilis ang pag-usad ng kontrobersiyal na batas reproduktibo. Ang parallelismo daw ng mga petsa at ang sipi mula sa bibliya (parehong 8/ 7/ 12) ay malakas na pahiwatig para sa mga Pilipino na ibasura na ang kontrobersyal na batas. Sa isang siping umiikot din sa internet, ipinaalalang noong taong 2009, ang petsa ng paghagupit ng bagyong Ondoy ay kinaumagahan din matapos ang araw ng pag-usad pasulong ng naturang batas. Setyembre 22 kasi binigyang tibay ang mga panuntunan sa pagdedebate tungkol sa batas reproduktibo. Setyembre 23 naman ang kasagsagan ng bagyo. Muli ang mistulang nais ipabatid ng historikal na pagbabalik tanaw na ito ay simpleng pagbabasura na ng batas reproduktibo.
Bagamat sa unang tingin nga ay hilaw o para bagang walang masyadong pag-iisip, mabuting mas lalong titigan pa at baka naman may nalalampasang karunungan ang nagdudunong-dunungan. Sa kasong ito ano ba talaga ang gustong sabihin ng mga taong nagsasalita nang gayon? Literal nga lang ba ang pag-unawa natin sa kanilang binigkas o baka naman may gusto silang sabihin bagamat kinakapos sa pagsasasalita? Maaari kasing sa karunungan ng relihiyosong popular mayroong sinasabi na higit pa sa nabibigkas.
Isa sa mga alagad ng agham panlipunang naunang nagbigay ng seryosong pagdinig at pagsasaliksik sa karunungan ng masang Pilipino ang istoryador na si Reynaldo Ileto. Sa aklat niyang "Pasyon and Revolution" bahagyang nadaanan ang kakatwang paghalaw ng mga Pilipino ng Relihiyosong kahulugan mula sa lahat lahat; lalo pa kung panahon ng kwaresma at mga Mahal na Araw. Sa aklat na iyon ay padaplis na nadaanan ni IIeto ang mga kagawian at kasabihang relihiyoso ng mga mananampalatayang Pilipino kung Biyernes Santo. Palibhasa may mga pamahiin tayong mga Pilipino kapag Biyernes Santo katulad ng hindi paliligo nang mas antala pa kaysa ikatlo ng hapon (bilang paggalang sa kamatayan ng Panginoon sa mga oras na iyon). May pagbabawal nga ring maglakbay pa sa naturang oras sapagkat ang mahahakbangan (kung naglalakad) o masasgasaan (kung nagkakariton) na puno ng saging ay maaaring katawan ng Panginoon! Napakalapit ng mga relihiyosong pakahulugan sa ordinaryong buhay para sa Pilipino. Ang araw araw nga niyang tanong, "ano kayang ibig sabihin nito?" ay paghahagilap sa kahulugan ng kanyang karanasan na hindi maitatatwang may bahid relihiyoso pa rin.
Sa halip na kutyain ni Ileto ang karunungang popular na iyon o itanghal ang sarili niya bilang mas naliliwanagan o matalino pa sa isip na gayon, ginamit niyang pagkakataong matuto ang pakikinig sa mga ito. Sa kabuuan nga ng aklat niyang nagbibigay unawa sa pagitan ng akademya at masang Pilipino, kapuri puri ang narating ng kanyang sinulat. "Laging may mas malalim pang minimithi ang mga Pilipino sa pag-aaklas at rebolusyon. May tono pa ngang relihiyoso ang bawat rebolusyon sa Pilipinas sa isip ng masang Pilipino." Sa liwanag ng mga nahanapan ni Ileto, maaari ngang matuto sa karunungang popular na ganito. Gaano man kamapamahiin iyon sa unang pandinig, sa mas malapit na pag-unawa mahihimigan din ang isang karunungang hindi man makikipagsabayan sa mga akademiko ay kagalang-galang din sa kakayahang magbigay kahulugan.
Kung kukunin ang parehong kababaang-loob na binibigyang indikasyon ni Reynaldo Ileto sa kanyang pag-aaral, ano kaya talagang kahulugan ng mga sinasabi ngayon ng ordinaryong tao sa kaganapan ng daluyong ng baha sa lipunang Pilipino? Marahil hindi makapagtatangkang mangusap para sa mga taong nagsasalita sa panig ng karunungang komun sa gitna ng mga kaganapang may pagdurusa tulad ng baha o anumang sakuna. Subalit kung may postura ng pusong nais pang matuto, maaaring magmungkahi ng ilang balangkas ng pag-unawa upang makapagbigay daan sa mas malinaw na talastasan sa pagitan ng mga propesyunal na alagad ng akademya at karunungang popular ng ordinaryong tao.
1) May pitak sa puso ng ordinaryong taong nangungusap sa misteryosong diskurso ng koneksyon ng mga kaganapan ng sakuna at mensahe mula sa langit ang biblikal na kamulatan sa "Galit ng Diyos." Nakakagitla ang usapang ganito lalo na para sa mga akademikong mas nais balingan ang katotohanan ng Diyos bilang maaawain, mapagbigay at mapagpatawad. Gayunman, binibigyang balanse ng popular na karunungan ang mistulang lalambot lambot at domestikadong imahen na ito ng Diyos na pinapaboran ng mga may pinag-aralan. Sa pagpapapaalala ng mga taong nangungusap gamit ang wika ng ordinaryong karunungan, mabuti ring kilanlin Siyang Manglilikha na may hawak pa rin ng buhay at lahat ng kaganapan sa kalikasan ang Siyang tinutukoy ng usapan ukol sa Diyos. Sa mga salita pa ng tanyag na nag-aral sa balangkas ng relihiyosong karanasan, ang pakikitungo sa Banal ay laging "mysterium tremendum et fascinans" (Rudolf Otto).
2) May pagbalik samakatuwid ang karunungang popular sa kamulatan sa kaganapan ng DIyos na pinapahiwatig din sa atin sa pamamagitan ng kanyang Galit. Malinaw na may ekspresyon sa bibliya ito [Job 36, 8; Bilang 32, 23; Hebreo 9, 27; Lukas 13, 5; Hebreo 2, 3] at sa dimensiyon nga nitong subhetibo natuturingan natin ang karanasan bilang "banal na takot sa Diyos." May kakabit na kilabot at banal na takot ang pakikitungo sa Diyos. Paalala pa ng banal na kasulatan, "takot sa Diyos ang simula ng karunungan" [Karunungan 1, 7]. Maaari samakatuwid na unawain ang mga pananalita nitong mga huling araw sa delubyo at mga kaganapang may kinalaman sa isyung moral na pagpapaalalang marapat pa ring tandaan ang banal na takot sa Diyos, nagkukubli man itong sangkap ng usapang batas sa lipunan. Ang karunungang popular ay naghahagilap ng salita upang ipaalala ang nahantungang konklusyon ni Ileto sa kanyang aklat, "may himig relihiyoso para sa Pilipino kahit ang usapang batas pampubliko."
3) Nangangahulugan ba ito ng isang Mapagparusang Diyos na kabaligtaran ng pinapaborang imahen ng mga edukado (Maawain, Mapagbigay at Mapagpatawad)? Ang katolikong tulong sa pagbasa ng bibilya lalo na ng Lumang Tipan ay may pagkiling hindi lamang sa literal na nilalaman ng mga nakasulat kundi lalo pa sa mensahe nito. Kaya nga sa sabay na katotohanang Mapagpatawad nga ang Diyos subalit siyang Husgado ding lilitis sa katapusan ng ating buhay mas nabubuo ang isang pagpapakilala ng Diyos sa kanyang sarili na hindi lamang may pagpili sa kung saan kumportable ang nagbabasa. Sa sabay na katotohanan ng Mapagbigay na Diyos at Makatarungan sa kanyang Galit mababang loob ding pagtalima at pakikinig sa pagpapakilala ng tunay na Diyos ang angkop na tugon sa Kaniya na nagpapakilala ng kalooban at katotohanan ng kanyang Sarili. Hindi ito usapan ng alin ang pipiliin sa dalawang imahen ng Diyos. Usapan ito ng handa ba tayong dinggin at tanggapin kahit ang bahagi ng pagpapakilala ng Diyos na gagambala sa atin?
Sa katapusan, ang pagsisikap na unawain ang popular na karunungan na binibigyang ekpresyon nitong mga huling araw nang bigyang koneksyon kahit pa ang mga mistulang mababaw at sala-salabit lang na mga bilang, siping biblikal at pangkasalukuyang mga kaganapan ay kapupulutan pa rin ng mensaheng napapanahon at hindi lumilipas. Ang Diyos na siyang saligan ng ating buhay, pagkilos at pag-iral ang siyang haharapin natin at pananagutan sa ginawa natin bilang tao, Pilipino, mambabatas, gurong akademiko at ordinaryong mamamayan.

No comments:
Post a Comment